Ang CHARM ay

Ang CHARM (Center for Health and Rights of Migrants) ay isang organisasyon ng mga mamamayan na ang layunin ay magkaroon ng lipunan kung saan malusog na naninirahan ang lahat, at nakikipagtulungan at sumusuporta sa mga taong positibo sa HIV at hindi gaanong nakakapagsalita ng Japanese.

Ang CHARM ay tinatag noong 2002 at kinabibilangan ng mga doktor, tagapayo, at social worker na may kinalaman sa paggamot ng HIV.

Layunin ng CHARM na suportahan at tulungan ang mga mamamayang positibo sa HIV upang maaari silang mamuhay bilang kanilang sarili maging ano man ang kanilang nasyonalidad at wika.

Nakikipagtulungan upang maaaring tumugon ang mga ospital at health center sa mga dayuhan sa iba’t-ibang wika. Naglalayunin na maibago ang sitwasyon kung saan dahil sa balakid na dulot ng pagkakaiba ng wika, hindi na napapakinabangan ng mga dayuhan ang sistema ng paggamot sa Japan.

Ang CHARM ay nakikipagtulungan sa ospital sa Kansai na espesyalista at sentro sa paggamot ng AIDS, mga institusyong medikal sa Osaka City, at mga NGO na sumusuporta sa mga dayuhan.

Tumatanggap ang CHARM ng mga proyekto na hinihiling ng mga lokal na pamahalaan tulad ng Osaka City at Kyoto City, pati na rin ng Ministry of Health, Labor and Welfare.


Ang layunin ng CHARM

Ang CHARM ay isang organisasyon na layunin ay maipagsama-sama ang mga dayuhan, mga taong may sakit tulad ng HIV, mga medical worker, at mga ordinaryong mamamayan upang maaaring mamuhay ng malusog ang lahat ng naninirahan sa Japan. Layunin ng CHARM na magkaroon ng lipunang gumagalang sa tao maging ano man ang kanyang nasyonalidad, wika, o kasarian.

Problema sa wika. Problema sa visa. Hindi alam kung papaano pakinabangan ang mga iba-ibang sistema. Nahihiripang gamitin ang mga serbisyong panlipunan dahil sa diskriminasyon. Sinusuportahan ng CHARM ang mga taong may mga ganitong problema.


Mga programa ng CHARM

Mayroong mga programa na maaaring mapakinabangan ng mga dayuhang nakatira sa Japan at mga taong positibo sa HIV.
1. Nagbibigay ng kinakailangang suporta sa konsultasyon at translation para mabigyang lunas ang problema ng bawat isa.
2. Nagsasagawa ng pagsusuporta ng mga magkakaibigan upang matulungan nila ang isa’t-isa.
3. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalusugan sa salitang maaaring maintindihan.
4. Ipinapaalam ang totoong kalagayan, at nagsasagawa ng panayam at pag-aaral upang makapagbigay ng payo.
5. Nagbibigay ng lugar kung saan maaaring makipagsamahan ang iba’t-ibang tao.
6. Tumatanggap at nagsasanay ng mga intern na magtataguyod ng paggamot at pag-aalaga na naka-sentro sa tao.

Layunin ng CHARM na makipagtulungan ang pamahalaan ng Japan, mga ahensya ng pamahalaang lokal tulad ng health center, at mga pribadong organisasyon upang magkaroon ng lipunan kung saan maaaring gamitin ng mga taong positibo sa HIV (Japanese at mga dayuhan) ang mga serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan.


Ang kasaysayan ng CHARM

Noong taong 2000, maraming dayuhang may AIDS ang dinala sa ospital na sentro ng paggamot ng AIDS. Wala silang medical insurance, at doon nila unang nalamang sila pala ay may AIDS na.

Nagsimula ang CHARM noong napag-isipan ng mga doktor at tagapayo na kinakailangan ng isang organisasyon ng mga mamamayan na maaaring tumugon sa mga pangangailangan ng mga dayuhang positibo sa HIV na wala gaanong paraang mapakinabangan ang mga serbisyong medikal at pangkapakanan. Ang CHARM ay pinangungunahan mga doktor at tagapayo na ito.


Opisyal

Board of Directors

●Chairman
Motoo Matsuura
●Vice-Chairman
Jo Takeda
●Directors
Elza Nakahagi
Michinori Shirano
Kazumi Fukumura
Naoko Kawana
Herrera Lourdes

Auditor
Toshiyuki Miho

Head ng Secretariat
Rieko Aoki


Budget ng CHARM

Nagmumula sa mga proyektong hinihiling ng nasyonal at lokal na pamahalaan ang 80 percent ng budget ng CHARM. Ang budget naman para sa mga gastos sa pangangasiwa ay nagmumula sa mga membership fee at mga donation.