Mga karaniwang katanungan (FAQ)
●Nagkasakit sa Japan
Tanong 1. Ano ang gagawin kapag ang dayuhang namumuhay sa Japan ay nagkasakit? Pakituro ang paraan ng pagpapagamot sa Japan.
Ang dayuhan na namumuhay sa Japan ay sasali sa health insurance system.Kapag nagkasakit, pumunta sa clinic na malapit sa inyong tirahan.
Karagdagang impormasyon kapag nagkasakit ang dayuhan sa Japan < click here >
Tanong 2. Ako ay nagkasakit. Hindi ko alam kung saan ako magpapatingin. Paturo naman.
Ang pupuntahang clinic ay depende sa sintomas.
Karagdagang impormasyon kapag nagkasakit ang dayuhan sa Japan < click here >
Tanong 3. Pakipaliwanag ang tungkol sa health insurance ng Japan.
May dalawang public health insurance ang Japan.「Public health insurance (tulad ng social insurance) na sinasalihan sa pinagtatrabahuang kumpanya」 at ang maliban dito na 「national health insurance」.
Karagdagang impormasyon tungkol sa health insurance ng Japan < click here >
●Tungkol sa HIV
Tanong 4. Nangangamba tungkol sa impeksyon sa HIV. Gusto kong malaman ng puspusan.
Karagdagang impormasyon tungkol sa impeksyon sa HIV < click here >
Tanong 5. Plano kong mag-trabaho (mag-aral) sa Japan mula ngayon. Gusto kong ipagpatuloy ang gamot na iniinom ko ngayon.
Ano ang gagawin ko?
Para maipatuloy ang pagpapagamot sa HIV sa Japan, sumali sa health insurance ng Japan.Kapag sasali sa health insurance ng Japan, maaaring makatanggap ng tulong para sa gastos sa pagpapagamot.May kinakailangang ihanda na mga papeles bago kayo pumunta ng Japan kaya’t ihanda ang mga ito.
Karagdagang impormasyon kung maninirahan sa Japan ang dayuhang positibo sa HIV< click here >
Tanong 6. Maaari bang magpagamot sa Japan ang dayuhang naninirahan sa Japan at nalamang positibo sa HIV?
Oo. Kapag nalamang positibo sa HIV sa HIV testing center o di kaya sa ospital, kung sasali sa health insurance ng Japan at mag-a-apply, maaaring magpagamot.Para sa karagdagang impormasyon, kumonsulta lamang sa staff sa HIV testing center at social worker sa ospital.
Kapag nalamang positibo kayo sa HIV sa pinadala sa inyo sa koreo na resulta ng pagsusuri, sumangguni lamang sa konsultasyon sa telepono ng CHARM.
Kapag nakuha ninyo ang resulta mula sa ospital, maaari kayong humiling ng interpreter kung hindi ninyo maintindihan ang salita.
・Karagdagang impormasyon tungkol sa pamumuhay sa Japan ang mga dayuhang positibo sa HIV < click here >
・Karagdagang impormasyon tungkol sa interpretation service para sa pagpapagamot ng HIV < click here >
・Konsultasyon sa telepono sa iba’t-ibang wika < click here >
Tanong 7. Gustong magpatingin sa HIV pero hindi alam kung saan pwede.
Sa Japan, maaring magpatingin para sa HIV sa health center ng libre at hindi na kailangang magpakilala. Kumonsulta lamang sa 「HIV Kensa・Soudan Map」 para malaman kung saan mabuting magpatingin.
Mayroon ding mga clinic kung saan maaaring magpatingin ng may bayad.
Sumangguni lamang sa CHARM kung hindi ninyo naiintindihan ang salita.
Karagdagang impormasyon tungkol sa pagsusuri < click here >
Tanong 8. Mayroong bang lugar kung saan maaaring kumonsulta tungkol sa HIV at sexually transmitted diseases sa wikang naiintindihan?
Oo, meron.
Martes 4:00pm~8:00pm English, Spanish, Portuguese
Miyerkules 4:00pm~8:00pm Chinese
Huwebes 4:00pm~8:00pm English
TEL: 06-6354-5901
Karagdagang impormasyon tungkol sa konsultasyon sa telepono sa iba’t-ibang wika para sa HIV at mga sexually transmitted diseases < click here >
Tanong 9. Mayroon bang pagsusuri para sa HIV sa health examination ng kumpanya?
Mayroong pagsusuri sa dugo sa health examination ng kumpanya pero walang pagsusuri para sa HIV.
Tanong 10. Ano ang nilalalaman ng mga bagay na maaaring ikonsulta sa telepono tungkol sa HIV at sexually transmitted diseases?
Maaaring kumonsulta tungkol sa kung saan maaaring magpasuri at magpatingin sa Osaka tungkol sa HIV at sexually transmitted diseases ang taong positibo sa HIV sa iba’t-ibang wika.Click here to see more information about telephone consultation for HIV/sexually transmitted diseases in foreign languages< click here >
●Isinasagawa na mga programa
Tanong 11. Nalaman kong positibo ako sa HIV kamakailan lang. Hindi ko alam kung anong gagawin ko mula ngayon. May programa bang maaaring salihan?
Oo, maaaring gumamit.
Sumangguni lamang gamit ang contact form < click here >
Tanong 12. Gustong makipagkita sa mga dayuhang positibo sa HIV.
Tanong 13. Gustong makipagkita sa babaeng positibo sa HIV. Ano ang mabuting gawin?
Mayroong programa para sa pagpupulong ng mga kababaihan.
Karagdagang impormasyon tungkol sa pagpupulong ng mga kababaihan< click here >
Form para sa mga katanungan < click here >
Tanong 14. Gustong gumaling mula sa pagkalulong sa droga. Ano ang gagawin?
Mayroong grupo para sa mga taong positibo sa HIV na gustong gumaling mula sa pagkalulong sa droga na makakasama nila ang kanilang mga kaibigan.
Karagdagang impormasyon tungkol sa SPICA < click here >
Tanong 15. Mayroon bang masayang programa?
Mayroong 「Cooking Japan’ease」 kung saan ipinapamahagi ang paraan ng pagluto ng mga sangkap na karaniwang ibinibenta sa tindahan.
Instagram para sa cooking < click here >
Tanong 16. Gustong makipagtagpo at makipag-ugnay sa iba’t-ibang tao.
Mayroong puwedeng salihan na 「Social Connection・Ugnayan (Tsunagari)」 ang mga taong kasali sa CHARM.
Karagdagang impormasyon tungkol sa pakikipag-ugnayan < click here >
Tanong 17. Maaari bang gumamit ng interpreter sa pinpuntahang ospital kung saan nagpapagamot sa HIV?
Oo, maaaring gumamit.
Karagdagang impormasyon tungkol sa interpretation service para sa pagpapagamot ng HIV < click here >
●Pagsali sa CHARM
Tanong 18. Gustong maging miyembro ng CHARM
Oo. Una sa lahat, maaari ka bang maging CHARM Supporter?
Impormasyon tungkol sa mga miyembro < click here >
Tanong 19. May iba pa bang paraan para sumali sa CHARM maliban sa pagiging miyembro?
Oo. Maaaring sumuporta sa CHARM sa paraan ng donasyon.
Impormasyon tungkol sa donasyon < click here >
Tanong 20. Gustong sumali sa mga aktibidad bilang vounteer.
Impormasyon tungkol sa pag volunteer < click here >
Sumangguni lamang gamit ang renraku form. < click here >
Tanong 21. Gustong mag-internship.
Tumatanggap ng mahigit 3 buwan na internship para sa mga college at graduate students.
Sumangguni lamang gamit ang contact form < click here >