●(Mga dayuhan na nakatira sa Japan) Kapag nagkasakit sa Japan…
1. Kapag nagkasakit sa Japan
1.1 Sa Japan, kapag kayo ay nagkasakit, magpatingin muna kayo sa medical clinic bago pumunta sa malaking ospital.
Depende sa inyong karamdaman, magkakakaiba ang dapat ninyong puntahang medical clinic.
Kung hindi ninyo alam kung saan kayo dapat pumunta, kumonsulta lamang sa duktor.
・Internal medicine (内科/Naika): pangkaraniawang sakit tulad ng sipon, lagnat at sakit ng tiyan
・Surgery (外科/Geka): sugat, nana
・Orthopedic surgery (整形外科/Seikeigeka): sakit sa buto, kasukasuan at kalamnan
・Obstetrics and gynecology (産婦人科/Sanfujinka): sakit ng babae, pagbubuntis at panganganak
・Otolaryngology (耳鼻科/Jibika): Sakit sa tainga, ilong at lalamunan
・Ophthalmology (眼科/Ganka): Sakit sa mata
・Pediatrics (小児科/Shounika): Sakit ng mga batang nasa Grade 6 pababa
1.2 Kung nangangailan ng mas malalim na eksaminasyon o magpatingin sa espesyalista, ang duktor sa clinic ay magbibigay sa inyo ng sulat o introduction letter para maipakilala kayo sa mas malaking ospital.
Maaaring hindi kayo matingnan sa malaking ospital kung wala kayong introduction letter mula sa medical clinic.
Kahit na makapagpatingin kayo, aabot ng 5,000 yen ang gagastusin, at matagal kayong paghihintayin.
1.3 Mga kinakailangan upang makapagpatingin
①Health insurance card (mula sa gobyerno o kumpanya ng Japan)
②Cash (maraming clinic ang hindi tumatanggap ng credit card)
Bayad sa unang konsultasyon 2,000-3,000 yen (babayaran sa unang pagpapatingin sa clinic)
Ayon sa pasya ng duktor, ang consultation fee, examination fee, at bayad sa gamot ay nagkakaiba.
Kung wala kayong masyadong pera, kumonsulta sa duktor kung magpapatingin na kayo.
Kinakailangang sumali sa health insurance (pampublikong health insurance o di kaya National Health Insurance) ang lahat ng naninirahan sa Japan.
Kapag hindi kayo nakasali sa health insurance, magiging mataas ang babayaran ninyo sa pagpapagamot.
Dahil kayo muna ang magbabayad ng gastos sa ospital kung mula sa pribadong kumpanya ang inyong travel insurance, magpapa-refund na lang kayo pagkatapos, kaya’t kayo muna ang sasagot sa mataas na gastos para sa pagpapagamot.
Health Insurance ng Japan
(a)Mga uri
(a-1) Pampublikong health insurance
Sasali kayo sa pamamagitan ng inyong pinagtra-trabahuang kumpanya.
Ang bayad sa insurance fee ay kakaltasin sa inyong suweldo bawat buwan. Ang kumpanya ang magbabayad ng kalahati ng insurance fee.
(a-2) National Health Insurance
Sinasalihan ng mga may sariling negosyo, estudyante, at walang trabaho.
Maaaring mag-apply sa National Health Insurance section ng lokal na pamahalaan kung saan kayo naka-rehistro na naninirahan.
Ang inyong insurance fee ay kinukuwenta ayon sa inyong binayarang buwis sa lungsod (Shimin Zei) sa nakaraang taon.
Para sa mga dayuhan, ang mga nakapag-rehistro sa tinitirahang lugar lamang ang maaaring sumali sa National Health Insurance (mga dayuhang may kuwalipikasyon na manirahan sa Japan na mahigit tatlong buwan).
Ang mga may hawak ng short-term stay visa (hindi sosobra sa 90 days) o di kaya visa para sa pagpapagamot ay hindi maaaring sumali sa health insurance.
(b)Kapag sasali kayo sa health insurance
(b-1) Kung kayo ay nakasali sa health insurance, kung kayo man ay magkasakit o di kaya kinakailangang ma-admit sa ospital, maaaring kayong magpagamot at 30 percent lamang ng gastusin ang inyong kinakailangang bayaran.
(b-2) Sakaling kayo ay operahan o ma-admit ng matagal at kinakailangan ninyong magbayad ng malaking halaga, kung kayo ay nakasali sa health insurance ay hindi nyo na kailangang magbayad ng hihigit pa sa nakatakdang halaga ng limit ng babayaran.
(b-3) Kung kayo ay may sakit o di kaya kapansanan na naitalaga ng bansang Japan na mahirap gamutin, kung kayo ay nakasali sa health insurance ay maaari kayong makatanggap ng tulong para sa mga gastusing medikal.
1.4 Suporta sa wika:
May mga pamahalaang lokal na nagbibigay ng serbisyong pansalin (translation) upang mas madaling magpagamot ang mga dayuhan.
Mayroong app na nagta-translate ng interview sheet at mga salitang medikal na maaari ninyong gamitin kung walang serbisyong pagsalin (translation).
*Maaring mag-download ng interview sheet sa iba’t-ibang wika sa homepage ng CLAIR at AMDA.
*Mayroong translation app na tinatawag na VoiceTra.
2. Sa mga nangangamba sa pagkahawa sa HIV
2.1 Tungkol sa pagkakaiba ng HIV at AIDS
HIV (Human Immunodeficiency Virus: virus na nagpapababa ng kakayahan ng katawan na lumaban sa mga sakit) ay pangalan ng virus, at kapag hinayaan ninyong nahawaan kayo, unti-unting bababa ang kakayahan ng inyong katawan na labanan ang mga sakit makalipas ang iilang taon.
AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome: nakukuhang sakit kung saan bumababa ang panlaban ng katawan sa mga sakit) ay ang kalagayan kung saan nahahawaan kayo ng iba’t-ibang sakit dahil bumaba ang kakayahan ng inyong katawan na lumaban sa sakit dahil nahawaan kayo ng HIV.
2.2 ・Tungkol sa pagkahawa sa HIV
Ang HIV ay hindi masyadong nakakahawang virus. Ito ay nasa dugo, semilya (semen), likido sa puki (vaginal secretion), at gatas ng ina ng taong positibo sa HIV. Kadalasan itong nakukuha sa pakikipagtalik.
Pumapasok sa katawan ang HIV sa pagdaan nito sa mucous membrane o di kaya sugat na nagdudugo.
Maaaring pumasok ang HIV sa loob ng mucous membrane ng mata, bunganga, puki (vagina), urethra, at puwet (anus).
Maaaring mahawaan kayo ng HIV kapag direktang malapatan ang mucous membrane o di kaya sugat ninyo ng dugo, semilya, at likido sa puki na may HIV.
Dahil papasok sa inyong ugat ang dugong may HIV kapag kayo ay nakibahagi ng iniksyon sa taong positibo sa HIV, madali kayong mahahawaan.
Dahil nalalapat sa sanggol ang dugo ng ina sa panganganak, maaaring mahawaan ang sanggol ng inang positibo sa HIV.
Gayundin, maaari ring mahawa ang sanggol pag pinainom ito ng gatas ng ina.
Paraan upang pababain ang posibilidad na mahawaan ng HIV
a Pakikipagtalik
Habang nakikipagtalik, kapag pinigilang direktang malapatan ang inyong ari, puwet, at bunganga ng dugo, semilya, at likido sa puki ng inyong katalik, maaaring maibaba ang posibilidad ng pagkakahawa.
Ang paggamit ng condom ay isang paraan upang mapigilang direktang malapatan kayo ng dugo, semilya, at likido sa puki ng inyong katalik.
May binibentang condom na sinusuot sa titi (penis) at pinapasok sa puki.
Kahit na mahirap gumamit ng condom, kung kakaunti lamang ang malalapat na dugo, semilya, at likido sa puki sa inyong ari, puwet at bunganga at maikli lamang ang panahong malalapatan ang mga ito, bababa ang posibilidad ng pagkakahawa.
Halimbawa, kapag ang semilya ay inilabas sa loob ng bunganga, puki, o di kaya puwet, kapag kaagad hinugasan ang semilya at likido sa puki na pumasok sa bunganga, hangga’t hindi nainom ang mga ito, maaaring bumaba ang posibilidad ng pagkahawa.
Kapag may sugat ang mucous membrane, madaling makakapasok ang virus at tataas ang posibilidad ng pagkahawa.
Kapag nag sipilyo kayo, maaaring magkaroon ng maliliit na sugat sa loob ng inyong bunganga, kaya’t kapag kayo ay nakikipagtalik gamit ang bunganga, huwag na magsipilyo at magmugmug na lamang.
Kapag mayroon kayong iba pang nakakahawang sakit, ulser sa bibig, at sipon, maaaring magkaroon ng sugat sa mucous membrane at balat ninyo kung saan maaaring makapasok ang virus, kaya’t kaagad na magpagamot at iwasan ang pakikipagtalik hangga’t hindi pa kayo ganap na gumagaling.
Kapag ipinasok ang mga kagamitan sa pagtatalik sa puwet at puki, dumidikit ang likido sa katawan at dugo.
Kapag nakikibahagi ng ng kagamitan sa pagtatalik, ang mucous membrane sa loob ng puwet, likido sa puki, at dugo ng ibang tao ay didikit sa inyong mucous membrane, kaya’t iwasang makibahagi o di kaya kung makikibahagi man ay dapat hugasan ng bawat isa o di kaya mas mabuti gumamit ng condom.
b Pamamahagi ng gamit pang-iniksyon (injection)
Dahil nakakahawa sa ibang tao ang pamamahagi ng ginagamit ninyong iniksyon para sa inyong gamot, siguraduhing laging bago o di kaya para lamang talaga sa inyo ang ginagamit ninyo.
Kapag gumagamit ng kasangkapan, maaaring bumaba ang posibilidad ng pagkahawa kung ito ay huhugasan at i-disinfect ninyo ngunit may problema pa rin ito sa kalinisan kaya’t hanggang maaari ay iwasan natin ang pakikibahagi nito.
c
Maaaring mapababa ang posibilidad na mahawaan ang sanggol ng inang positibo sa HIV kung iinom siya ng gamot laban sa HIV pagkalipas ng tamang panahon pagkatapos malamang may HIV siya, kung siya ay manganganak ng Caesarean, at kung hindi siya magpapasuso sa sanggol.
Sa ganitong mga paraan, ang posibilidad na mahwaan ang sanggol ng inang positibo sa HIV ay magiging 0.5% pababa.
3. Kapag nanirahan sa Japan ang dayuhang positibo sa HIV
3.1 Kung pupunta sa Japan ang nagpapagamot na sa ARV
Sa Japan, hindi libre ang gamot para sa HIV (ARV).
Dahil mahal magpagamot, kinakailangan ninyong sumali sa health insurance.
Mayroong suportang pinansyal para sa gastos sa pagpapagamot na maaaring mapakinabangan ng mga nakasali sa health insurance.
Upang makatanggap ng suportang pinansyal, kinakailangang mag-apply.
Kailangan ihanda ang mga sumusunod na dokyumento bago pumunta sa Japan.
① Mga kinakailangang dokyumento:
a) Resulta ng pagpa-eksamin na nagpapakita na ang bilang ng CD4 ay 500 pababa kabilang na ang dalawang beses na resulta ng pagpapa-eksamin para sa bilang ng virus, white blood cells, platelet at hemoglobin sa panahong iyon.
b) Resulta ng eksaminasyon bago pumunta ng Japan
c) Introduction Letter (sulat ng pagpapakilala) mula sa duktor
② Pipili ng ospital
Sa buong Japan, may mga nakatalagang espesyalistang ospital sa pagpapagamot ng HIV.
Kung hindi ninyo alam kung saang ospital magpapatingin, sumangguni lamang sa CHARM.
Form para sa mga katanungan
③ Pagsali sa health insurance
Bago pumunta sa ospital, kinakailangang sumali muna kayo sa pampublikong health insurance o di kaya National Health Insurance at dalhin ang inyong insurance card.
④ Maaaring mapakinabangan ng mga nakatira sa Kansai area ang serbisyong pagsalin (translation) at pagsama sa ospital o ahensya ng gobyerno ng CHARM.
Sumangguni lamang ang mga naninirahan sa labas ng Kansai area.
*Ang Kansai area ay kinabibilangan ng Osaka, Hyogo, Kyoto, Shiga, Nara, at Wakayama.
⑤ Hindi pinagbabawalan ang sino man na makapasok sa Japan dahil lamang siya ay may HIV.
Maaari ring magpa-renew ng katayuan ng paninirahan (status of residence).
3.2 Kapag nalamang positibo kayo sa HIV sa Japan
① Sa mga nalamang positibo sila sa HIV sa pamamagitan ng HIV test
Pumunta sa ospital na ipinakilala sa inyo sa kung saan kayo nagpa-eksamin sa HIV at gawin ang mga kinakailangang proseso para sa unang pagpapatingin.
Ang proseso sa unang pagpapatingin ay。。。Mayroong desk para sa proseso para sa unang pagpapatingin malapit sa pasukan ng ospital. Doon sisimulan ang mga sumusunod na proseso.
① Punan ang application form para sa konsultasyon
② Dalhin sa reception desk ang application form. Ibigay din ang introduction letter.
③ Tanggapin ang file para sa konsultasyon at hospital card.
④ Ibigay ito sa departamento kung saan kayo magpapatingin.
⑤ Pagpapatingin, pagpapa-eksamin
⑥ Magtanong tungkol sa anumang hindi ninyo nalalaman o naiintindihan.
⑦ Magbayad
Mga kinakailangang dalhin
a) Health insurance card
b) Introduction letter na natanggap ninyo sa HIV testing center
c) Cash na humigit kumulang 10,000 yen
② Sa mga nalamang positibo sila sa HIV sa ospital
Kumonsulta sa duktor at social worker at gawin ang mga kinakailangang proseso.
③ Maaaring mapakinabangan ng mga nakatira sa Kansai area ang mga serbisyo ng CHARM tulad ng serbisyong pagsalin (translation) at serbisyong pagsama sa ospital o ahensya ng gobyerno.
Sumangguni lamang ang mga naninirahan sa labas ng Kansai area.
Para sa mga katanungan, sumangguni lamang sa CHARM.
Form para sa mga katanungan
Sa Japan, may serbisyo na maaaring samahan ang mga dayuhan na positibo sa HIV sa ospital o di kaya city hall.
Walang babayaran sa serbisyong pagpapadala ng translator sa pagpapagamot ng HIV ang mga dayuhang positibo sa HIV kaya’t kung kayo ay nangangailangan ng tulong sa pag-apply sa ospital o sa ahensya ng gobyerno, gamitin lamang ang serbisyong ito.
Kinakailangang maagang ma-schedule ang pagpapadala ng translator.
Hangga’t maaari tutugon ayon sa ninanais ninyong araw, ngunit maaari ring hindi ito masunod.
May mga wikang walang serbisyo ng pagsalin (translation). Sumangguni lamang sa CHARM para sa mga detalye.
Form para sa mga katanungan
4. Eksaminasyon
Tungkol sa eksaminasyon para sa HIV at STI (mga impeksyon na nakakahawa dahil sa pakikipagtalik)
4.1 Saan maaaring magpa-eksamin para sa HIV/STI?
Hindi ninyo malalaman kung kayo ay nahawaan na ng HIV kung hindi kaya magpapa-eksamin.
Maaaring magpa-eksamin sa HIV sa health center ng libre at kahit hindi na gamitin ang inyong tunay na pangalan.
Depende sa health center, maaaring sabay rin na ma-eksamin ang iba pang nakakahawang sakit (tulad ng syphilis at chlamydia).
Maaari ring magpa-eksamin sa HIV sa mga institusyong medikal ngunit hindi ito libre.
「Hanapin lamang sa 「HIV Examination・Consultation Map」(Japanese), o di kaya sumangguni sa CHARM.
Form para sa mga katanungan
4.2 Ang ibig sabihin ng resulta ng HIV test
Ang resulta ng HIV test ay maaaring maging 「Insei」(negative) o di kaya「Yousei」(positive).
Ang ibig sabihin ng 「HIV Insei (ー)」 ay hindi kayo nahawaan ng HIV, at ang ibig sabihin ng 「HIV Yousei (+)」 ay nahawaan kayo ng HIV.
Kapag kayo ay nahawaan ng HIV, kadalasan ay makalipas ang apat na linggo pagkatapos kayong mahawaan ay lalabas na positibo sa HIV ang resulta ng inyong blood test.
Samakatuwid, kung ang resulta ng eksaminasyon na kinuha ninyo makalipas ang apat na linggo mula noong maaari kayong nahawaan ay 「HIV negative」, maaaring hindi nga kayo nahawaan.
Gayunpaman, may diperensya depende sa indibidwal kung kailan lalabas ang positibo na resulta ng eksaminasyon.
Depende rin sa health center at examination center, magkaiba ang panahon bago malaman ang eksaktong resulta ng eksaminasyon kaya’t mabuting siguraduhin kung kailan malalaman ang resulta pagkuha ninyo ng eksaminasyon.
Halimbawa, sa kaso ng pang gabing eksaminasyon sa Kyoto City, kapag hindi lumampas ng mahigit tatlong buwan mula nung maaaring kayo ay nahawaan, maaaring hindi makakuha ng mapapagkatiwalaang resulta.
Maaari rin namang magpa-eksamin kahit hindi pa lumampas ang mahigit tatlong buwan matapos kayo ay maaaring nahawaan ngunit inirerekomenda na kayo ay magpa-eksamin ulit paglipas ng tatlong buwan matapos kayo ay maaaring nahawaan.
5. Examination Center na maaaring tumugon sa iba’t-ibang wika
5.1 Kyoto City (English)
Free, anonymous HIV test in the evening. Twice a month on Monday.
HIV test is Rapid test. The test result comes back in about an hour.
The results of the STI test (syphilis, gonorrhea, chlamydia) will be given by the staff at the same place in about two weeks.
An appointment is required for the HIV test.
And if you wish to take the STI test, you also need to make an appointment for the day you come back to get the test results.
The tests are available for a limited number of people. Please note that there may not be an appointment slot available.
For more information, please check the Kyoto City website.
(In Japanese) Kyoto City Evening HIV test
Place: Kyoto Industrial Health Association [MAP]
Date and Time: Twice a month on Monday 5:30 p.m. – 6:30 p.m.
(Please check the Kyoto City website for the schedule. Click here (in Japanese))
Test contents:
(1) Only HIV test
*Rapid test (Know your result in about 60 minutes)
(2) HIV test + STI test (syphilis, gonorrhea, chlamydia)
*HIV test is Rapid test. However STI test results will be given by the staff at the same place in about two weeks.
Appointment/Inquiry
(English) :CHARM 06-6354-5902 Monday – Thursday 10 a.m. – 5 p.m.
(Japanese) : Kyoto Industrial Health Association Weekday 8:30 a.m. – 4:30 p.m.