Sa CHARM, nagasasagawa ng mga programa para sa mga taong positibo sa HIV at mga programa sa iba’t-ibang wika para sa mga taong nangangailangan ng tulong sa wika.
Hindi kailangang magbayad para sumali sa mga programa ng CHARM.
Aktwal na gastos lamang tulad ng bayad sa telepono o di kaya pamasahe ang inyong sasagutin.
1. Konsultasyon sa telepono sa HIV at iba pang nakakahawang sakit sa wikang banyaga
2. Harapang konsultasyon para da taong positibo sa HIV, pati na rin sa kanyang partner
3. Suporta sa pagsama sa opisina ng pamahalaan at ospital
4. Translation service para sa pagpapagamot ng HIV
5. Pagtatalaga at pagpapadala ng tagapayo sa HIV
6. Impormasyon tungkol sa HIV sa ibang bansa
7. SO SO SO
8. Samahan ng mga Babae
9. SPICA
※Maaari lamang sumangguni sa Secretariat ng CHARM kung may ano mang katanungan o di kaya nais mag-apply.
a) Programa sa iba’t-ibang wika
1. Konsultasyon sa telepono sa HIV at iba pang nakakahawang sakit sa wikang banyaga
【English, Spanish, Chinese, Portuguese】
Isanasagawa ang konsultasyon sa wikang banyaga para sa mga taong positibo sa HIV.
Maaaring kumonsulta kung saan sa Osaka maaaring magpa-eksamin at magpatingin tungkol sa HIV at iba pang nakakahawang sakit.
Hindi isisiwalat sa ibang tao ang nilalaman ng inyong kinonsulta.
Libre ang konsultasyon ngunit kayo ang sasagot sa bayad sa pagtawag sa telepono.
Martes, 4 pm to 8 pm: English, Spanish, Portuguese
Miyerkules, 4 pm to 8 pm: Chinese
Huwebes, 4 pm to 8 pm: English
06-6354-5901
2. Harapang konsultasyon para da taong positibo sa HIV, pati na rin sa kanyang partner
【Japanese, English, Spanish, Thai, Filipino, Portuguese, etc.】
Maaaring kumonsulta sa social worker, tagapayo o di kaya nurse ng walang pag-aalala.
Gamitin ang serbisyong ito kung gusto ninyong malutas ang inyong problema, o kung gusto ninyong may makinig sa inyong sinasabi.
Para sa mga nagnanais, sumangguni lamang sa CHARM.
Form para sa mga katanungan
3. Suporta sa pagsama sa opisina ng pamahalaan at ospital
【Japanese, English, Spanish, Thai, Filipino, Portuguese, etc.】
Kung kayo ay mag-a-apply sa city hall, first time na pupunta ng ospital, o di kaya pupunta sa lugar na hindi kayo sanay, sasamahan kayo ng staff.
Para sa mga nagnanais, sumangguni lamang sa CHARM.
Form para sa mga katanungan
4. Translation service para sa pagpapagamot ng HIV
【Japanese, English, Spanish, Thai, Filipino, Portuguese, etc.】
Maaaring gamitin ang serbisyo para sa translation sa sariling wika kung magpapatingin o di kaya makikinig kayo sa paliwanag sa inyong pinupuntahang ospital para sa pagkonsulta sa HIV.
Para lamang ito sa mga ospital sa Osaka, Kyoto, Hyogo, Shiga, Nara at Wakayama.
Para sa mga ospital maliban sa mga lugar na ito, maaaring sumangguni lamang sa CHARM.
Para sa mga nagnanais mag-apply sa serbisyong ito, sumangguni lamang sa CHARM o di kaya ipaalam sa doktor o nurse ng ospital.
Form para sa mga katanungan
b) Programa para sa HIV
5. Pagtatalaga at pagpapadala ng tagapayo sa HIV
【Japanese, English, Thai, Filipino, etc.】
Nagtatalaga ng espesyalista na tagapayo sa AIDS para sa kung sino mang positibo sa HIV na gustong humingi ng payo sa Osaka Municipal Hospital.
Kung nais ninyo, ipaaalam lamang sa doktor o nurse.
Form para sa mga katanungan
6. Impormasyon tungkol sa HIV sa ibang bansa
【Japanese, English, Thai, Filipino, etc.】
Mga maaaring sumangguni
1) Mga taong positibo sa HIV na naninirahan sa mga bansa maliban sa Japan na may balak magtrabaho sa Japan kaya’t gustong malaman kung saang ospital maaaring magpatingin tungkol sa HIV, kung magkano ang gagastusin sa pagpapagamot, at kung may mga support groups na makakatulong.
2) Mga taong positibo sa HIV na may balak umuwi sa kanilang sariling bansa sa hinaharap at gustong makakuha ng impormasyon tungkol sa pagpapagamot sa HIV pagkatapos nilang makauwi at kung anong klaseng gamot ang maaari nilang makuha.
3) Mga taong positibo sa HIV nakatira sa Japan ngunit balak manirahan sa ibang bansa sa hinaharap.
4) Medical worker na nangangailangan ng impormasyon tungkol sa medikal na paggamot sa ibang bansa
<Para sa mga katanungan, sumangguni lamang sa CHARM.>
Sa gustong makalakap ng impormasyon tungkol sa pagpapagamot ng HIV sa ibang bansa, maaaring isulat lamang ang impormasyon sa form sa baba para sa mga katanungan.
・Pupuntahang bansa, saang rehiyon (state, probinsya, lungsod, etc.) mo balak manirahan sa bansang iyon ?
・Sa anong klaseng visa mo plano manirahan (working, student, spouse dependent)?
・Gaano katagal mo balak manirahan?
7. HIV総合相談窓口 SO SO SO
【にほんご Japanese】
HIV陽性者の方とその周りの方のためのメールの相談です。
8. Samahan ng mga Babae
【Japanese, English, etc.】
Isang samahan kung saan maaaring magkita-kita ang mga babaeng positibo sa HIV. Nagsasagawa ng pang-indibidwal na konsultasyon na ginagawa ng mga miyembro, pagpulong sa maliliit na grupo, at pagtitipon ng mga babae sa buong bansa.
Maaaring sumali maging anuman ang iyong wika.
Makipag-ugnayan lamang sa CHARM ang sino mang gustong sumali.
Form para sa mga katanungan
9. SPICA
【Japanese, English, etc.】
Sa SPICA, nagsasama-sama dalawang beses sa isang buwan ang mga taong positibo sa HIV na gustong gumaling mula sa pagkagumon sa droga.
Ito ay isang grupo na layunin ay sama-samang gumaling mula sa pagkagumon sa droga ang mga taong naghahangad nito.
Nagsasagawa ng mga sesyon ng pag-aaral at mga kung anu-anong libangan.
・Maaaring sumali ano man ang iyong wika, relihiyon, o kasarian.
・Maaaring sumali kahit isang beses lamang.
・Mahigipit na papanatilihing kumpidensyal.
Pangalawang araw ng Linggo ng bawat buwan 4 pm to 6 pm
Pang-apat na Sabado ng bawat buwan 4 pm to 6 pm
Para sa mga nagnanais, sumangguni lamang sa CHARM.
Form para sa mga katanungan
c) Konsultasyong pangkalusugan para sa mga dayuhan
【English, Thai, Filipino, etc.】
Ang medical worker at volunteer ng CHARM ay magsasagawa ng eksaminasyon at konsultasyon.
Papayuhan kayo ng doktor, nurse, social worker at iba pa, tungkol sa mga katanungang pangkalusugan. Sa paraaan ng Vital Check, malalaman ang kasulukuyang kundisyon ng inyong kalusugan.
Kung ikaw ay nakatira sa Osaka, Hyogo, Kyoto, Shiga, Nara o Wakayama, ang konsultasyong pangkalausugan ay maaaring ganapin kasama ang CHARM.
Sumangguni lamang.
Form para sa mga katanungan